TOP

平成25年度の教室スケジュールを更新しました。

みなさん、こんにちは。

5月18日からナガイサのハロハロ教室がスタートし、平成25年度のナガイサの教室が始まりました。

6月からは

●バヤニハン日本語教室(日曜日)

●高校進学のための教室(水曜日、金曜日、土曜日)

も始まります。

各教室の予定はナガイサホームページのスケジュールを見てください。

http://filipinonagkaisa.sitemix.jp/schedule

松本

Read More
TOP

Halohalo first day of school May 18,2013

May 18,2013

Sinimulan ang unang araw  ng  Halohalo  class ng  orientation  at pagpapakilala ng mga   boluntaryong guro at staff . Nagbigay din ng mga impormasyon ukol sa mga  regulasyon na dapat sundin ng mga magulang  at mga estudyante sa mga panahong sila ay nasa klase at  nasa pangangalaga ng NPO  Filipino Nagkaisa

Pagkatapos ng orientation  ay pinapunta na  ang mga estudyante sa kani-kanilang guro upang  makapagpakilala sa isat isa.  Habang naghihintay ang mga magulang, sila ay   kinausap at binigyan  ng ibat-ibang impormasyon ukol sa mga ibang proyekto ng  Npo Filipino Nagkaisa.

In behalf of the  NPO Filipino Nagkaisa , kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang at estudyanteng dumalo sa araw na ito .  Nagpapasalamat din kami sa lahat ng mga boluntaryong guro na walang  sawa sa pagbibigay-suporta  sa grupo.  Tanging hangad at layunin namin ang makatulong sa  kapwa Filipino na naninirahan sa Hamamatsu. Nais din naming  makatulong sa ating mga kabataang  Filipino na gustong mag-aral  at makisalamuha  kasama  ang ibang estudyanteng Hapones  sa kanilang  paaralan.

Hangad namin na magtulungan tayo upang lalo nating mapaunlad ang samahang  Filipino at magkaroon tayo ng tiwala sa sarili  na  kaya nating mamuhay ng maayos  dito.

Kung may nais kayong  malaman, huwag kayong mag-tubiling lumapit sa amin. Kami ay handang tumulong sa inyo sa abot ng aming makakaya.

Maraming salamat po.

 

IMG_6405

Ito ang mga magulang at mga estudyante na dumalo.

IMG_6438

 

Ito ang ating mga bagong pasok na estudyante

IMG_6419

 

Ito ay mga  boluntaryong  guro na Hapon , at staff ng Filipino Nagkaisa.

 

 

 

 

 

IMG_6436

 

Ang mga bagong estudyante habang nakikinig sa mga staff na nagbigay paliwanag ukol sa class.

Read More
TOP

平成25年度 HALOHALO CLASS

11 ハロハロ T 12 ハロハロ J

Read More
TOP

平成25年度NPOフィリピノナガイサ事業発表会

5月4日発表会招待状(タガログ語)

Read More
TOP

Halohalo and Jukensei Class Shuuryoushiki

487514_586385121372698_1951853418_n[1] 526517_586385214706022_1929461431_n[1]386476_586390468038830_1043026756_n581424_586391514705392_1338648329_n906942_586388748039002_1291171181_o

March 23,2013 ginanap  ang pagtatapos  ng  mga klase ng Halohalo at Jukensei. Dumalo ang mga estudyante, guro at mga magulang. Masaya ang pagtatapos dahil nakatanggap sila ng  special awards at certificates na nagpapatunay na sila ay nakatapos at  naging masipag sa pag-aaral. Ito ay natapos sa isang salu-salo  na inihanda ng mga magulang , estudyante, guro at  staff ng NPO Filipino Nagkaisa.

 

In behalf of the NPO Filipino Nagkaisa   kami  ay  taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng dumalo ,nakisaya at sumaksi. Salamat sa ating mga boluntaryong guro sa kanilang mahabang pasensya at sa walang sawang  pagtuturo sa ating mga bata. Salamat din sa mga magulang sa walang sawang pagsuporta sa mga anak upang makapasok sa  klase.  Salamat din sa ating mga estudyante na matiyagang nag-aaral upang matuto  at hindi antala ang mainit  na  summer at malamig na winter sa pagpasok.

Inaasahan namin na sa bagong pasukan ay magkikita-kita tayo muli at lalo pang dumami ang  estudyante.

Kami sa Npo Filipino Nagkaisa,  kasama ang  mga boluntaryong guro, ay hindi magsasawa na magturo at gumabay sa mga  nangangailan ng aming  tulong. Itong layunin na ito ay para sa  lahat ng Filipino na naninirahan sa Hamamatsu.

Magkita-kita muli tayo sa susunod na pasukan !

Read More