TOP

2013 KOSAI GLOBAL FAIR

May 5, 2013(Sat)

Sa unang pagkakataon, lumahok ang NPO Filipino Nagkaisa sa Kosai Global Fair. Ito ay bilang suporta sa mga Kababayan sa Kosai.

Ang event ay itinakdang ganapin sa Himawari Plaza sa harap ng Washizu station subalit dahil sa malakas na ulan, ginanap ito sa mismong building na Kosai Kokusai Kouryuu Kyoukai.

kosaidance9

 

Mayroong paninda ng mga pagkaing Filipino na ihinanda.

kosaidance8

 

Mabentang-mabenta ng menudo-pansit bento.

kosaidance4

Ito naman ang pansit.

kosaidance6

Ito ang puto.

kosaidance5

Ang mga chichirya.

kosaidance7

Marami ang tumangkilik sa mga luto nina Imee at Helen.

Mayroon ding turon. Naubos agad ito dahil sa tuwing may maluluto, nabibili agad ito.

Ang mga kababaihan ng Kosai ay sumayaw ng “Bulaklak”. Ito ay umani ng palakpakan mula sa mga manonood dahil sa sigla ng tugtog, makulay na kasuotan at ngiti ng mga dancers.

kosaidance3

kosaidance2

kosaidance1

Hindi alintana ng lahat ang malakas na ulan, dami ng tao at pagod.

Napakasaya talaga kapag ang lahat ay nagtutulungan at nagsasama-sama.

Narito ang karagdagang blog mula sa Kosai Kokusai Kouryuu Kyoukai:

http://www.kosai.org/joiul4os7-854/#_854

http://www.kosai.org/joncwvibg-854/#_854

Comments are closed.