TOP

KOSAI CLASS RECIPE BOOKLET (レシピ集ー日本語)

Problema niyo ba ang lulutuin sa araw-araw?

Ito ang karaniwang problema ng isang may-bahay. Mahirap nga naman mag-isip ng lulutuin tatlong beses isang araw sa loob ng 7 araw sa isang linggo. Nakasalalay sa lulutuin niya ang kalusugan ng pamilya.

Subalit, kung minsan ay nauubusan na tayo ng menu upang lutuin. Dahil dito, minabuti ng mga miyembro ng Kosai Nihongo Class na gumawa ng recipe booklet para sa isa’t-isa. Ito ay isa ring paraan upang masanay ang mga mag-aaral sa pagsusulat ng Nihongo at maipahayag ang nais ipaliwanag.

Ang bawat isa ay gumawa ng kanya-kanyang recipe.

 recipe2

 

Ito ay ginabayan ng guro hanggang matapos.

recipe4

 

Nagkaroon din ng talakayan at pagpapahayag ng isinulat na recipe.

Ito ay upang matutunan ng lahat ang mga dapat tandaan sa pagsusulat sa Nihongo.

recipe3

 

Matapos itama ng guro, muli ay isinulat ito at nilagyan ng disenyo.

Mayroong mag-aaral na nagdala ng nilutong recipe upang mapatikim sa lahat.

 

recipe5

Naging napakasaya at napakasarap ng talakayan ng klase.

recipe6

 

Ito po ang Recipe Booklet ng mga mag-aaral ng Kosai.

recipe1

 

Comments are closed.