TOP

Halohalo and Jukensei Class Shuuryoushiki

487514_586385121372698_1951853418_n[1] 526517_586385214706022_1929461431_n[1]386476_586390468038830_1043026756_n581424_586391514705392_1338648329_n906942_586388748039002_1291171181_o

March 23,2013 ginanap  ang pagtatapos  ng  mga klase ng Halohalo at Jukensei. Dumalo ang mga estudyante, guro at mga magulang. Masaya ang pagtatapos dahil nakatanggap sila ng  special awards at certificates na nagpapatunay na sila ay nakatapos at  naging masipag sa pag-aaral. Ito ay natapos sa isang salu-salo  na inihanda ng mga magulang , estudyante, guro at  staff ng NPO Filipino Nagkaisa.

 

In behalf of the NPO Filipino Nagkaisa   kami  ay  taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng dumalo ,nakisaya at sumaksi. Salamat sa ating mga boluntaryong guro sa kanilang mahabang pasensya at sa walang sawang  pagtuturo sa ating mga bata. Salamat din sa mga magulang sa walang sawang pagsuporta sa mga anak upang makapasok sa  klase.  Salamat din sa ating mga estudyante na matiyagang nag-aaral upang matuto  at hindi antala ang mainit  na  summer at malamig na winter sa pagpasok.

Inaasahan namin na sa bagong pasukan ay magkikita-kita tayo muli at lalo pang dumami ang  estudyante.

Kami sa Npo Filipino Nagkaisa,  kasama ang  mga boluntaryong guro, ay hindi magsasawa na magturo at gumabay sa mga  nangangailan ng aming  tulong. Itong layunin na ito ay para sa  lahat ng Filipino na naninirahan sa Hamamatsu.

Magkita-kita muli tayo sa susunod na pasukan !

Comments are closed.