TOP

2nd KOSODATE SEMINAR in KOSAI

March 10, 2013

 

kosodate3Sa ikalawang pagkakataon, ginanap ang Seminar ukol sa Pangangalaga ng Bata dito sa Japan. Si Bb Hiromi Tanaka (youchien sensei) ang panauhing tagapagsalita.

Ang paksa ng usapin ay nakatuon sa sistema ng pag-aaral sa kindergarden(幼稚園youchien) at day care school(保育園hoikuen). Tinalakay ang pagkakaiba ng sistema ng dalawang uri ng preschools at ikinumpara ang mga ito sa mga paarakan sa Pilipinas. Bukod dito, ipinakilala ang mga kagamitan sa paaralan na hindi karaniwang ginagamit sa Pilipinas at ang mga pagdiriwang na ginaganap sa paaralan(行事gyouji). Nagdala rin ng mga picture books(絵本e hon) ang panauhin upang hikayatin ang mga magulang na basahan ng aklat ang anak.

kosodate1

Bahagyang tinalakay din ang pag-aaral sa elementarya.

Ang seminar ay dinaluhan ng mga Kababayan natin na mayroong anak na nag-aaral at paparating na anak na mag-aaral sa Japan.

kosodate2

Para sa ating mga Filipino, “Ang edukasyon ay tanging yaman na maipapamana sa ating mga anak na hindi mananakaw ng sinuman.”. Ito ang dahilan kung kaya’t kahit nasa ibang bansa, nagsisikap pa rin ang mga magulang na mapag-aral nang maayos ang mga anak.

 

Comments are closed.