TOP

2013受験生面接練習・PRACTICE INTERVIEW FOR GRADUATING JR HIGH SCHOOL STUDENTS PRIOR TO ENTERING HIGH SCHOOL

FEB 2

Para sa paghahanda ng mga graduating Jr High School Students, nagkaroon ng practice interview na ginanap sa HICE. Naging panauhin at tagapag-interview sina HATI General Secretary Mr Ogino at Assistant General Secretary Mr Muramatsu. Sa taong ito, mayroong  8 jukensei na Kabataan.

 

Nagsimula sa pagpapaliwanag ni Mr Ogino sa kahalagahan ng pag-aaral. Ipinaliwanag niya ang kaibahan ng taong nakapag-aral at hindi nakapag-aral. “Kadalasan, kapag may problemang dumating, ito ang pagkakataon na mag-iisip at gagawa ng desisyon ang taong hindi nakapag-aral; subalit ang taong nakapag-aral, ay kalimitang may plano na ng patutunguhan nito sa buhay at kung ano ang gagawin nito sa panahon na may dumating na pagsubok sa buhay.” “Ang ating buhay ay tuloy-tuloy na pagsusulit kung kaya’t dapat tandaan na kailangang handa palagi sa anumang pagsubok na dadating.”

jukenmensetsu41

Bilang practice, sinimulan sa pagpasok ng kuwarto, pagpapakilala ng sarili, at wastong pag-upo habang interview. Mayroon ding mga katanungan na karaniwang itinatanong sa interview. Pagkatapos ng practice, muli ay tinatawag ang mag-aaral upang sabihin ang mga dapat pang ayusin.

jukenmensetsu1

 

jukenmensetsu61

 

Pagkatapos naman ng individual interview, Mayroong group interview kung saan may paksa na ibinigay at kinakailangang magbigay ng sariling opinyon ukol rito sa loob ng 30 segundo.

Sa pagkakataong ito, ang paksa ay “TOMODACHI”.

jukenmensetsu21

 

Halatang kinakabahan ang mga Kabataan subalit makikita ang kanilang sipag at determinasyon na maitama ang kanilang ginagawa. Nakakatuwang isipin na ang mga kabataang ito ay handa nang pumasok sa High School bagama’t may balakid sa pagsasalita ng Nihongo. Hindi ito dahilan sa kanila upang tumigil nang pag-aaral, sa halip ay mas lalo silang nagsisikap na makamit ang pangarap sa hinaharap.

jukenmensetsu31

 

Taun-taon ay sinusuportahan ng FN ang mga kabataang papasok ng High School. Inaasahan namin na makapasa ang mga Kabataang ito at makamit nila ang kanilang pangarap.

Para sa mga Jukensei sa susunod na taon, asahan ninyo ang suporta namin!

DSC_0382

 

Hanggang sa mga susunod na batch ng Jukensei ay maaasahan ninyo kami!

 

jk5

 

Comments are closed.