TOP

2013 Philippine Embassy Consular Mission in Hamamatsu

JAN 26

Napakagandang panimula ng taon ang serbisyong ipinaunlak sa atin ng Embahada. Sa pakikipagtulungan ng HICE at  NPO Filipino Nagkaisa, nakapagbigay ng consular services and embassy para sa mga Kababayan dito sa Hamamatsu at mga kalapit lungsod.

Dahil sa pagkakataong ito, hindi na kinailangang bumiyahe pa nang malayo at gumastos sa pamasahe upang dumulog sa embassy. Nagkaroon ng mga serbisyo sa Passport Renewal, Report of Birth, Report of Marriage, Report of Death, Legal Capacity to Contract Marriage, Notarials, Affidavits, SPS at NBI Clearance. Bukod dito, pinaunlakan ni Consul Ryan Pondoc ang mga Kababayan nating may nais ikonsulta.

Sa pakikipagtulungan ng lahat, naging maayos ang pila at proseso ng aplikasyon. Mabilis natapos ang mga Kababayan nating may numero sa passport renewal kung kaya’t marami pang umasa na makahabol na nabigyan ng pagkakataon.

cm1

 

 

Nagsimula ang consular mission nang 10:00 am sa pamamagitan ng pagbati mula kay Consul Ryan.cm4

 

Sa registration pa lamang, nakahanda na ang mga staff at volunteers ng FN sa pagbibigay ng guide sa ating mga Kababayan.

cm2

 

 

Sa loob naman, maayos ang pagkakasunod-sunod ng proseso at may mga nakabantay pa rin na staffs at volunteers para sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan.

 

cm3

 

Matiwasay at matiyagang naghihintay ang ating mga Kababayan na tawagin ang kanilang numero.

 

cm5

 

 

Labis kaming nagpapasalamat sa ating mga Kababayan sa kanilang kooperasyon at pang-unawa sa araw na ito. Inaasahan naming makapagbigay muli ng serbisyo para sa lahat.

 

Nagpapasalamat din kami sa grupo ng consular mission mula sa embassy dahil sa tapat at masipag na serbisyong ipinagkaloob nila sa amin.

 

Inaasahan namin na bago magtapos ang taon na ito ay makapabigay kami muli ng consular service sa Hamamatsu. Mangyari po lamang ay abangan ang aming anunsyo.

 

 

Comments are closed.