TOP

Graduation2012

Noong nakaraang sabado Marso 17 ginanap ang graduation ng mga batang mag-aaral ng juntos,kasama ng kanilang mga boluntaryong guro ay masayang idinaos ang pagtanggap nila nang kanilang certification sa pag-aaral  dito.

 

 

Ganoon din naman nagkaroon ng kaunting pag-tatalumpati sa mga nagtapos ng junior high school,kung paano at ano ang hirap na kanilang dinaanan at ang kanilang mga pagsisikap sa kanilang pag-aaral dito sa Japan.Bagaman sila ay dayuhan o di lumaki sa bansang ito ipinakita pa rin ng mga batang nagtapos ang kanilang pagsisikap upang makatapos sa Junior High School at makapasa sa pagsusulit nila sa pagpasok ng Senior High Hchool.Apat silang kumuha ng pagsusulit sa iba`t ibang eskwelahan na kanilang napili,sa kabutihang palad sila lahat ay nakapasa dito.

Kaya naman ang mga boluntaryong guro at ang samahang ito ay tuwang-tuwa para sa kanila.Isang magandang simula ito sa patuloy na pagdami ng mga kasapi  at lalo pa naming  pag-iibayuhin ang  pagtulong namin sa mga batang Filipino na ninanais makatapos nang kanilang pag-aaral dito sa Japan.Hinahangad namin ang inyong tagumpay para sa inyong kinabukasan.

皆さんお疲れ様でした!来年度またよろしくお願いします。

Comments are closed.