TOP

Manigong Bagong Taon 2012!

Manigong Bagong Taon!

 

Ayon sa Chinese Astrology, ang 2012 ang Year of the Black Water Dragon. Sinasabing ang taon na ito ay magbibigay ng kasiyahan at tagumpay. Ito ay ang taon na mabuti para sa pagbuo ng pamilya. Ito rin ang panahon para sa mabubuting gawain. Magandang panahon ito upang magsimula ng proyekto sa negosyo o lipunan. Ang katapatan at kabutihan ay magkakaroon ng magandang kapalit. Ito ang panahon upang ilabas at ipakita ang kakayahan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Encouraging ang simbolo ng dragon. Napapaisip na tuloy ako ng mga gusto kong gawin. Pero sa dami ng naiisip ko, parang hindi ko alam kung saan sisimulan. Nangyari na ba sa iyo ito? Nangyari na rin ba sa iyo na sa dami ng nasimulan, walang matapos-tapos? O hindi mo malaman sa sarili mo kung ano ba talaga ang gusto mong gawin.

 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi sapat na puro encouragement lang mula sa iba para makabuo ng pangarap. Napakaimportante na alamin natin kung ano ang nais ng puso natin. Siguraduhing wala tayong matatapakan o masasaktan sa pagsasagawa ng nais. Planuhin; ika nga, “one step at a time”. Hindi solusyon ang pagmamadali. Mas importante na pag-isipan ang hakbang upang mabawasan ang pagkakamali. Matuto sa mga pagkakamali at magpatuloy hanggang sa makamit ang pangarap. Subalit, may mga pagkakataon na kahit anong pilit natin ay talagang mukhang hindi para sa atin. Dito ay kinakailangan ang pagiging matapang at mapagkumbaba. Matapang na harapin ang pagkatalo at maging mapagkumbaba sa pag-amin ng kahinaan…..at hindi pa nagtatapos dito! Alalahanin mo ang iba mo pang nais gawin at isunod ang plan B. Ibig sabihin, magpatuloy.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tulad nang nagdaang taon, magiging busy na naman ang FN sa maraming proyekto. Nagpapasalamat kami sa mga miyembro na walang sawang sumusuporta, lalo na sa mga masisipag mag-attend ng practices. Alalahanin natin ang tamis ng tagumpay sa mga contest na tayo ay nanalo. Hindi malabong makamit natin ito muli sa taong ito, mula sa inyong kooperasyon. Pasalamatan natin ang mga guro, sempai at kaibigan na laging nakagabay sa ating pag-aaral at pamumuhay dito sa Japan.

Comments are closed.