TOP

Pagdiriwang ng Pasko

Taon taon ginaganap ang christmas party sa filipinonagkaisa.Ilang taon na ba ang nakakalipas magmula ng umpisahan ang samahang ito,Kung hindi ako nagkakamali halos labing tatlong taon na o higit pa.Saludo ako sa mga taong nag-umpisa ng samahang ito.Alam ko dumaan sila sa mga hirap bago marating ang ganitong pagsasama-sama nang mga kababayang pilipino dito sa hamamatsu.
Sa ngayon parami ng parami na ang miyembro, talagang makikitang mahalaga ang pagbibigkis ng mga magkakababayan lalong-lalo na dito sa ibang bansa sapagkat tayong magkakababayan ang nagkakaunawaan lalong-lalo na sa salita at sa mga saloobin.
Pinatunayan ito ng katatapos pa lamang na pagdiriwang ng pasko para sa mga kabataan,dinaluhan ito ng mahigit isang daan nating mga kababayan.

Nagkaroon ng pagtatanghal ang mga kabataan,sayaw at kanta.

 

 

 

 

Grupo ng filipino nagkaisa.

 

 

 

 

Maraming salamat sa inyong pakikisaya lalong lalo sa mga magulang at mga kabataang nakilahok sa programa.ジュントスの先生達、日本語クラスの先生達一緒にクリスマス会やって本当にありがとうございました。また来年、フィリピノナガイサよろしくお願いします。

MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT

Comments are closed.