TOP

Computer Class

Masaya ang pagtatapos ng computer class,napagkasunduan na magkaroon ng presentation upang magamit ang mga natutunan sa pag-aaral.Talagang bawa’t isa ay naghanda,bawat isa ay patungkol sa pamilya o di kaya ay larawan ng kanyang mga anak.Noong una nilang pagpasok sa pag-aaral ng computer bamagan marunong na sila ng word excel mas lalo pa itong nadagdagan dahil bukod sa pag-aaral ng computer ay itinuro din dito ang japanese word na karaniwang ginagamit sa computer.Kaya ngayon masaya na sila dahil marami na silang natutunan sa pag-aaral nila dito,ang sabi ni Ms.E,pati ang asawa nya para lamang sa pag aaral nya ng computer binilhan sya ng bagong computer.

Hontou ni M.Sensei arigatou gozaimashita,taihen benkyou ni narimashita.Sinabi nga nila na sana magkaroon pa uli ng kasunod,gusto pa nilang matuto at madagdagan ang kaalaman nila sa word excel.

 

Miss W sa kanyang presentation,iba`t ibang klase ng panahon o klima ng japan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Miss E. ngayon marunong na siya kung paano ang paghawak ng computer.Tuwang tuwa siya dahil marami na siyang nagagawa gamit ang word sa computer.

 

 

 

 

 

 

Miss M.=magagamit ko na sa aking pagtatrabaho ang lahat nang aking natutunan dito.

 

 

 

 

 

Masayang nag-aaral

 

 

 

 

 

 

we are proud to be a computer student.

 

 

 

 

 

 

Maraming Salamat Sa Inyong Lahat.Hanggang sa muling pagkikita.皆さんがんばってください~

 

Inaasahan  namin na ang mga natutuhan ng mga estudyante ay maging kapaki- pakinabang sa kanilang pamumuhay dito sa japan,at higit sa lahat ay makatulong sa kanilang mas maayos na pagtatrabaho.Malaking tulong talaga ang mga proyektong ito para sa mga pilipino,kung makikita lang sana ng iba pa nating mga kababayan dito sa japan na hindi lang sa pabrika natin magagamit ang ating mga talino.Maari rin tayong magamit ng bansang japan sa mga eskwelahan.Marami sa ating mga pilipino ang nandito sa japan na mga nakatapos ng pag -aaral sa pilipinas ngunit tayo ay mahina ang loob sa pagpasok o paghahanap ng mas maayos na trabaho.Sa kadahilanang mahirap ang wikang hapon.Sa pamamagitan ng mga  proyektong  ibinibigay namin at sa tulong din ng bansang japan  dahan-dahan malalaman nyo na hindi naman pala ganoon kahirap ang mga bagay na dati nahihirapan tayo,nasa pag-aaral lang pala talaga ang kulang.Inaanyayahan namin ang iba pa naming mga kababayan na lumahok kayo sa aming grupo magkaisa po tayo na ibangon ang ating pagiging tunay na pilipino,tayo rin ay may karapatan ipamalas ang ating talino dito sa ibang bansa.Hanggang sa susunod pa naming mga proyekto inaanyayahan po namin kayo.Marami pong salamat sa mga tumulong upang maisakatuparan ang mga proyekto namin.

 

 

 

Comments are closed.