TOP

Pasko na!

Nalalapit na ang araw ng kapaskuhan,kumusta na ang pasko ng mga kababayan ko dito sa hamamatsu.Nag umpisa na din ang tag-lamig sa katulad kong hindi sanay sa lamig ninanais nating pumunta o umuwi sa ating inang bayan.
Malungkot ang pasko sa ibang bansa nakakamiss ang pasko sa pilipinas,ilang taon na rin na hindi ako nakakauwi,balita na lng sa facebook  at mga picture ang nakikita natin galing sa ating mahal sa buhay dito sa ibang bansa,maraming salamat at may facebook.Hindi talaga natin maihihiwalay ang pagdiriwang ng pasko kahit na simple lang.

Masaya  ang mga bata sa filipino nagkaisa dahil sa darating na dec.17 ay magkakaroon ng christmas party ang filipino nagkaisa.Gaganapin  ito sa fukushi koryo center,ganap na 10:30 ng umaga hanggang 1:30pm ng hapon.

Abalang -abala na sila sa pagpapractice ng kanilang gagawing sayaw.Dahil magkakaroon ng pa contest sa araw na ito,lalo tuloy akong nae-excite kung ano ang kanilang gagawin.Magkakaroon din ng pagpili sa pinakamagandang costume.Nakapamili na ba kayo kung ano ang inyong susuotin sa araw na ito?

Lahat ng Miyembro ay inaanyayahan na dumalo sa araw na ito.Contact filipino nagkaisa for your  question.see you there!

 

Comments are closed.