TOP

Parami ng parami

Parami ng parami ang mag-aaral ng Juntos, mga kagagaling pa lang nang pilipinas at talagang walang alam sa wikang hapon. Ninais ng kanilang mga magulang na sila man ay makasama dito sa paninirahan nila sa bansang japan.Lubha ngang malungkot para sa isang magulang  at  anak ang malayo sa isa`t isa kaya nga kahit na mahirap para sa mga bata na sila man ay dito na rin manirahan,napipilitan ang mga magulang alang alang sa pagbibigkis ng kanilang pamilya.Kung ang mga magulang ay maraming binabaka dito sa bansang japan ganoon din ang kanilang mga anak isa na riyan ang pagsasalita nila ng wikang hapon,at ang kapaligiran dahil ibang iba ito sa kanilang kinamulatang bansa,bagamat  sinasabi nila na maginhawa ang paninirahan dito sa japan kesa sa pilipinas marami rin disadvantage para sa mga kabataan nating pilipino ang paninirahan dito.kaya ang grupo namin ay walang sawang tumutulong sa mga batang ito.Ganundin naman sa mga magulang nila,magsama sama tayo at magtulungan para sa ikaaayos ng mga bata sa bansang ito. Ang kabataan ang pag asa ng bayan.Huwag nating kalimutan yan mula sa ating bayaning si Dr.Jose Rizal.Gambate sa inyong pag aaral!pagkatapos mag-aral paghahanda naman sa nalalapit na pagtatanghal ng grupo.Naanyayahan ang grupo namin sa pagtitipon ng mga iba`t ibang lahi dito sa hamamatsu.Makikitang masaya ang mga batang nag eensayo. Sa pamamagitan ng mga aktibidad dito nalilibang ang mga batang ito,hindi lang sa pag aaral.

Comments are closed.