TOP

Balik Aral

Nagsimula na naman ang pagtuturo at pagdamay sa mga estudyanteng pilipino dito sa hamamatsu ng samahan,mga estudyanteng galing pilipinas at may kakulangan sa pagsasalita ng wikang hapon,ngunit gustong mag-aral dito sa bansang Japan.Lahat ay talagang gustong matuto bukod diyan nawawala ang kanilang kalungkutan dito sa japan dahil parang nakakita sila ng pangalawang pamilya dito sa samahang ito,katunayan ang mga naunang estudyante ay halos naririto pa rin at masayang nag-aaral.

Unang araw nang pasukan talagang di magkamayaw ang mga staff  lalong lalo na ang inyong lingkod dahil isa rin ako sa naatasan na mag-assist sa kanila hindi ko akalain na napakarami pala nila,talagang medyo nag panic kami dahil sa dami ng mga estudyante.

Comments are closed.