TOP

Congratz;

Naging madamdamin ang graduation ng filipino nagkaisa sa kadahilanan ng naganap na malaking paglindol at pagdating ng malaking tsunami  sa bansang  japan.Maraming napinsalang ari-arian ganun din maraming  buhay ang binawi nito.Nakikiramay ang boung grupo ng filipino Nagkaisa sa mga nasalanta sa kalamidad na eto. Hanggang ngaun patuloy pa rin ang pakikibaka ng bansang japan, ganun din sa nuclear na napinsala sa nakaraang paglindol.Patuloy pa rin ipagdasal natin ang bansang japan na matapos na ang lindol dito bagaman hindi madaling makabangon sa kapinsalaang eto hangad namin na dahan dahan maayos din eto.Sa panahon ng kalamidad dito sa bansang japan napakahirap sa ating mga pilipino ang hindi makapagsalita ng kanilang lenguahe,malaking tulong ang ating pag aaral ng kanilang salita. Katulad ng sinabi ng ating lider  na si Gng Nakamura na makakatulong ang ating organisasyon dahil saklaw eto ng gobyerno ng japan.Anumang sakuna alam natin na me malalapitan tayong mga pilipino dito sa japan                                                                                              Binabati ko ang mga nagtapos sa bunkachou class at Juntos class maligayang bati sa lahat.Ginanap ang pagtatapos sa nambu kominkan noong marso 19 araw ng sabado .Lahat ay tuwang tuwa kasama ang mga mga batang estudyante na tumanggap ng diploma,nagkaroon din ng pag-uulat ang mga estudyante ng bunkachou tungkol sa kanilang mga napag aralan.

Ng matapos ang pagtanggap ng diploma nagkaroon ng pagsasalo salo sa mga dalang pagkain ng mga nanay ng mga batang estudyante at ng mga taga bunkachou class  ganun din ang mga boluntaryong japanese,me nagdala ng cake para sa nagdaos ng kaarawan ng aming pilipinang boluntaryong guro na si Ms.R.maligayang kaarawan sa yo.Grabe nabusog talaga kami at marami pang natirang pagkain.

Hanggang sa muli kita kita uli tayo sa panibagong pag-aaral natin…Mina san ganbarimasu yo!Sana lalong madagdagan pa ang ating grupo!

 

Comments are closed.