TOP

Pagtatapos

Magandang araw po sa lahat ng mambabasa.
Malamig pa rin ang klima ng bansang japan,mag ingat tau sa mga usong sakit katulad ng influenza.

Katatapos lang ng aming ilang buwang pag-aaral ng komputer(word excel)at nihonngo.Lahat kami ay gumawa ng komposition tungkol sa buhay namin dito sa japan.Naging madamdamin ang pagtatapos ng klase,sa kadahilanang bumalik sa alaala noong panahon na kararating lang namin dito sa bansang eto.Iba-ibang karanasan at halos iisa ang dahilan,pagsasalita ng wikang hapon.Iba-iba ang tema ng aming komposisyon.Isa na rito ang buhay pag aasawa dito sa japan.Karamihan talaga sa atin ay hindi marunong magluto.Dahil sa pilipinas marami tayong tagapagluto me pera ka lang pwede kang kumuha ng kasama sa bahay na magaling magluto.Yan ang malaking kaibahan dito sa japan sa atin pwede kang mag-wagamama dito ikaw lahat ang kikilos o gagawa sa bahay.Isa rin eto sa mga binabaka natin dito sa japan.Pero mahal natin ang ating pamilya kaya,kayang kaya natin eto.

Kabaligtaran sa amin ang aming isang guro ay doon na maninirahan sa ibang bansa,katulad namin ibang lahi ang kanyang napangasawa.Nag aalala siya sa kanyang paninirahan sa ibang bansa,lahat tayo ay gustong manirahan sa sariling bansa pero minsan me mga bagay na dapat tayong tiisin sa ating sarili alang-alang sa ating pamilya.Hindi natin matuturuan ang ating mga puso kung sino at kanino tayo mapapamahal ika nga..
Mas makabubuti tanggapin at ipagpasalamat sa Dakilang Maykapal lahat ng mga bagay na dumating sa buhay natin mahirap man yan o madali.Me mga bagay tayong nararanasan na mahirap unawain pero dyan tayo natuto at lalakas harapin ang panibagongbukas.Importante na hindi tayo makalimot sa ating Panginoon,lumapit tayo sa kanya kung tayo`y nangangailangan.Ang aral sa bibliya ‘Kumatok ka at ikaw ay bubuksan’…Ugaliin natin ang pagkatok sa KANYA para meron tayong mapagkukunsultahan ng ating mga problema.
Dito sa ibang bansa hindi lng dito sa japan,iba-ibang karanasan ang ating mararanasan.Isa na riyan kung hindi tayo nakakapagsalita ng kanilang wika.Mapipigilan ang ating mga pangarap na eto ay di matupad.Magsama sama tayong mga pilipino ipakita ang ating kakayahan dito sa japan,tayo rin ay may mga pangarap sa buhay na gusto nating matupad.Hanggang kelan na ang takbuhan natin at ng karamihan sa ating mga kababayan ay ang trabahong panggabi?Na alam naman nating di maipagmamalaki ng ating mga anak?Hapon din ang ating mga anak at may karapatan din sila na magkaroon dito sa japan ng maayos at maipagmamalaking magulang.Ilan na nga ba ang nawasak na pamilya sa kadahilanan nang pagtatrabaho natin sa panggabing trabaho?At sino ang nagsasakripisyo hindi ba ang ating mga anak?Lahat tayo ay mahal ang ating mga anak…Habang tayo ay nabubuhay kailangan nating makibaka para sa ating pamilya.At ang isang magiging malaking hadlang ay kung hindi tayo matutong magsalita ng wikang hapon.Minsan sa  puso natin natatakot tayo sa diskriminasyon dito sa ibang bansa pero ang totoo kahit  saan naroon ang diskriminasyon kahit na sa sarili nating bansa.Kaya nga nandito tayo sa ibang bansa e, kaya matuto tayo para sa ating sarili.Pag-aralan nating mabuti eto at matuto tayong ituon ang ating pansin sa mas mahalagang bagay dito sa mundo.Salamat at hanggang sa muli

Nagpapasalamat kami sampu ng mga kaklase ko sa mga pag-aaral na eto,sa mga bumuo at walang sawang mga guro na nagturo sa amin at higit sa lahat sa nagbigay ng pondo na makapag aral kami ng libre…Tatanawin naming malaking utang na loob sa inyo eto.Maraming salamat po.Sana’y hindi kayo magsawang tulungan kami,kaming mga nangangailangan ng tulong nyo .

Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.
Magandang araw po ulit at maraming salamat sa pagsubaybay nyo sa aming blog…hanggang sa muli…

Comments are closed.