TOP

SA PAGDIRIWANG NG KAPASKUHAN

Araw ng Sabado(Disyembre 18,2010)abala kami sa pagtitipon na gaganapin sa CREATE HAMAMATSU.Maaga pa lng ay namili na kami ng mga pagkain na gagamitin sa idaraos na kasayahan.Napagkasunduan na pagkaing pilipino ang ihahanda.
Halos lahat ng grupo ay masaya habang ibinibigay sa kanila ang mga sangkap sa pagkaing kanilang iluluto.Nandyan ang ADOBO,PANSIT BIHON AT CHICKEN SANDWICHES.Kasama ang mga gurong hapon tuwang-tuwa ang mga estudyante sa paghihiwa ng mga gulay at karne na kanilang iluluto.Nakatutuwang pagmasdan na sama-samang gumagawa ang bawa’t miyembro.
Nang maluto na ang lahat ay masaya kaming nagsalo-salo sa nalutong pagkain.
Ang ibang guro ay pamilyar na ang lasa na pagkaing pilipino,subalit ang iba ay bago sa kanilang panlasa pero hindi naging hadlang para eto ay kanilang di-magustuhan.
Sumunod ang pagpapalaro at pagpapalitan ng regalo ng bawat dumalo.Sa palarong HULAAN KUNG SINO GAME,nalaman ko na ang aming guro na si Ginoong Yamada ay gusto ang pagkaing halo-halo.Nakakatuwa!
Kanya-kanyang kuhanan ng larawan souvenir ika nga,pinagkatuwaan na naman
nang mga kabataan si Ginoong Yamada,
palibhasa mabait at may puso para sa mga pilipino.Ganun din naman ang aming guro na si Ginang Kazumi Hamba na walang sawang sumusuporta sa aming mga pilipino dito sa bansang japan,kasama ang iba pang mga boluntaryong gurong Hapon at Pilipino.
Maraming Salamat Po,
Hanggang sa Muling Pagtitipon!
MABUHAY!MALIGAYANG PASKO
AT MANIGONG BAGONG TAON
SA INYONG LAHAT!

Comments are closed.