TOP

Bagong Taon (Bunkachou Class)

Magandang araw,nalalapit na ang Bagong Taon tamang tama ang temang pinag aralan ngaun(dec.11,2010),tungkol sa Bagong taon at pag sinabing bagong taon nangunguna na dyan ang mga masasarap na pagkain,mahilig ba kayo sa malagkit o mga kakanin?Dito sa japan tinatawag eto na OMOCHI,nakatikim na ba kayo ng OZOUNI(malagkit na hinaluan ng gulay)

Nandyan din ang OSECHI-RYOURI(iba`t ibang klaseng pagkain hapon)inihahanda tuwing bagong taon.Kasunod dyan ang iba`t ibang kaugalian o pamahiin kung paano magiging masagana at manigo ang bagong taon,katulad ng SHIMEKAZARI(dekorasyon para sa pintuan)

KADOMATSU(gawa sa kawayan isang uri din ng dekorasyon sa tarangkahan o pasukan ng bahay)KAKIZOME(isang uri ng porma ng pagsulat)karaniwang isinusulat ang salitang pag asa at tag sibol gamit ang brotsa.At higit sa lahat ang OMIKUJI,pinaniniwalaan nila na magiging maganda ang kapalaran nila kung meron sila nito at lahat ng di magandang kapalaran ay lalayo sa kanila.Nabibili eto sa kanilang mga templo o sa mga simbahan.Pumupunta din sila sa JINJYA(simbahan nila) tinatawag

nilang HATSUMOUDE(pagbisita sa unang taon)kasama ang boung pamilya.

       Meron din silang laro o libangan  sa araw ng bagong taon tinatawag itong HANETSUKI kapareho ng larong badminton at nilalaro tuwing bagong taon ng mga kababaihan.Ganun din ang TAKOAGE pagpapalipad ng saranggola popular na aktibidad sa japan sa araw ng bagong taon.

     AT ang pinakamasaya naalala ko ang aking kabataan kapag dumarating ang pasko maraming pamasko at nakakatanggap ng pera galing sa mga ninong at ninang ganun din sa mga malalapit na kamag anak.Dito sa japan nakakatanggap ang mga bata tuwing bagong taon tinatawag nila itong OTOSHIDAMA,ngaung bagong taon masaya na naman ang aking dalawang anak na makakatanggap ng OTOSHIDAMA sa lola nila…

Comments are closed.